Iginiit ng House prosecution na hindi awtomatikong magiging sagot o depensa ang tinatawag na Arias Doctrine upang lusutan ang mga isyu sa 19 kontrata sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Davao at ng GenCorp Industries Inc.
Sinabi ni Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro na bagama’t kinikilala nila ang doktrinang ito, hindi raw ito absolute o lubos na naaangkop sa lahat ng pagkakataon.
Ipinaliwanag ni House prosecutor at Bicol Saro Rep. Terry Ridon maaaring ikonsidera ang Arias Doctrine kung napatunayang walang kaalaman o ugnayan si Mayor Baste Duterte sa negosyo at mga may-ari ng GenCorp.
Dagdag ng mambabatas nakasalalay sa Senate Impeachment Court ang pagsusuri sa mga testimonya kung angkop ba ang Arias Doctrine sa alkalde.