Nasabat ng Bureau of Customs–Port of Clark ang isang shipment na naglalaman ng tinatayang 4,410 gramo ng hinihinalang ketamine na nagkakahalaga ng ₱20.7 milyong.
Nakatago ang hinihinalang illegal na droga sa parcel na idineklarang ceramic fan.
Galing Amsterdam, Netherlands ang shipment at nakatakdang ipadala sa Valenzuela City.
Sa paunang pagsusuri gamit ang spectrometer, lumabas na posibleng Special K o ketamine ang laman nito, na isang dangerous drug na sakop ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang pagsusuri at beripikasyon ng mga awtoridad sa nasabat na shipment.