House leader, pinuna ang mga pahayag ni Mayor Baste Duterte na wala siyang alam sa procurement ng kanyang tanggapan sa GenCorp Inc.
Pinuna ni House Deputy Speaker Paolo Ortega si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, ang kawalang alam nito sa isyu ng procurement at Gencorp Industries Inc.
Imposible aniya na hindi niya alam na si Vice President Sara Duterte ang shareholder ng kumpanya na nakakuha ng 19 na kontrata sa city hall.
Ayon sa mambabatas, hindi maaaring naisin ng isang opisyal ang kapangyarihan at pamamahala ngunit pagdating sa mga iregularidad ay magpapanggap itong walang alam.
Punto pa ng mambabatas, kaakibat ng mataas na posisyon ang tinatawag na command responsibility.