CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 82?
Simula na ngayong araw, October 1, ang pulong ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) para talakayin ang mga panukalang amyenda sa 2027 General Appropriation Bill.
Ayon kay House Secretary General Cheloy Velicaria-Garafil, magsisimula ang BARSc proceedings ala-1 ng hapon at ila-livestream sa official platform ng Kamara
Layunin nitong matiyak ang transparency at mabigyan ang publiko ng direktang access sa deliberasyon sa mga panukalang amendments sa pambansang budget.
Sinabi ni Garafil na lahat ng inaprubahang amendments ay ilalahad line by line para makita at masubaybayan ng publiko.
Sa pamamagitan ng livestream, masusundan din ng media at publiko ang mga talakayan at mga pagbabagong inaprubahan ng subcommittee.
Matatandaan na kabilang sa mga ipinatupad ma reporma ng Kamara sa budget process anf pag-buwag sa small committee at ipinalit ang BARSc.