Asian Games - Aichi-Nagoya 2026 - Athletics - Paloma Mizuho Sports Park, Nagoya, Japan - September 29, 2026 Philippines' Ernest John Obiena reacts during the Men's Pole Vault Final REUTERS/Jeremy Lee
Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang kay Filipino pole vaulter EJ Obiena matapos makasungkit ng gintong medalya sa men’s pole vault sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 na ginaganap sa Japan.
“Buong pusong pagbati kay EJ Obiena sa kanyang gold medal finish sa men’s pole vault sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026!” -Recto.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, gumuhit ng kasaysayan si Obiena sa Asian Games.
Hindi lamang aniya ginto ang iniuwi ni Obiena para sa Pilipinas, bagkus nagtala pa ito ng bagong Asian Games record na 5.91 meters, lampas sa dating rekord na 5.90 meters.
“Hindi lang ginto ang iniuwi para sa Pilipinas, nagtala pa ng bagong Asian Games record na 5.91 meters, lampas sa dating rekord na 5.90 meters.” -Recto.
Sabi ng kalihim, si Obiena ay simbolo ng sipag, tiyaga, disiplina, at determinasyon ng isang Pilipinong hindi natatakot mangarap nang mataas.
Ito na ang ikatlong gintong medalya na nasungkit ng Pilipinas sa Asian Games matapos makuha ni Olympic gold medalist Carlos Yulo ang dalawang gintong medalyas a gymnastics.
“Ito ay simbolo ng sipag, tiyaga, disiplina at determinasyon ng isang Pilipinong hindi natatakot mangarap nang mataas.” -Recto. | ulat ni Racquel Bayan