Nananawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga guro na ihanda ang mga mag-aaral sa hinaharap, sa pamamagitan ng paghubog sa kanilang kakayahang mag-isip nang kritikal, at kumilatis at gumawa ng matalinong desisyon.
Kabalikat ito ng pagkakaroon ng malasakit sa kapwa.
Ayon sa pangulo, nais niyang mahubog ang mga kabataang Pilipino na mayroong kahandaang mamuno, kalakip ng pagkakaroon ng karunungan, kakayahan, at malasakit sa kapwa.
“We want capable young Filipinos who will one day lead our communities, our institutions, our country; and lead with wisdom, competence, and with empathy,” -Pangulong Marcos Jr.
Amindao ang pangulo na mayroon pang mga kailangang ayusin sa paghahanda at patuloy na pagsasanay ng mga guro.
Mayroon aniyang ilan na nagtuturo ng mga asignaturang na hindi sila eksperto, at mayroong mga training na hindi laging tugma sa mga aktuwal na hamon na kinakaharap sa silid-aralan.
Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos Jr. ang mahalagang papel ng mga guro bilang tagapagturo at gabay ng mag-aaral.
Kasabay nito, inilunsad ni Pangulong Marcos Jr. ang My Teacher Education Commons o MyTEC Portal, isang digital platform na tutulong sa patuloy na pagkatuto at professional development ng mga guro. | ulat ni Racquel Bayan