Ipinanawagan ng Climate Change Commission sa mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng localized adaptation plan bilang paghahanda sa matinding tag-init at tagtuyot.
Sa panayam ng RADYO PILIPINAS WORLD SERVICE, sinabi ni CCC Commissioner Albert Dela Cruz Sr. na magkakaiba kasi ang sitwasyon at pangangailangan sa bawat lugar.
Kabilang sa mga dapat aniyang ihanda ng mga LGU ay ang pagkakaroon ng cooling station, hydration measures at pagtukoy sa mga lugar na pagkukunan ng tubig.
Mahalaga rin aniyang sumangguni ang local officials sa mga eksperto.