Hindi nakikitang magkakaroon ng diplomatic strain o tensiyon sa ugnayang diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at Israel makaraang magwalkout ang Philippine delegation habang nagtatalumpati si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa United Nations General Assembly.
Ang pag-walkout ng Pilipinas at iba pang delegado ay bilang protesta sa pagdepensa ni Netanyahu sa mga aksyon ng Israel sa Middle East.
Sa panayam ng RADYO PILIPINAS WORLD SERVICE, sinabi ni H.E. Israeli Ambassador to the Philippines Dana Kursh na sa kabila ng nangyaing walkout ay patuloy na palalakasin ng Israel ang ugnayan nito sa Pilipinas.
Binigyang-diin din ng opisyal ang kahalagahan ng dayalogo at aksyon para matugunan ang mga isyu.