Umabot sa 1,499 indibidwal na naapektuhan ng insidente sa Banga National High School sa South Cotabato ang nabigyan ng Psychological First Aid (PFA) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kabilang dito ang mga estudyante at kanilang mga magulang na tinulungan ng DSWD Protective Services Bureau at DSWD Field Office XII matapos ang insidente noong September 18.
Bilang augmentation support, 13 personnel mula sa Protective Services Bureau ang ipinadala sa South Cotabato para tumulong sa pagbibigay ng psychosocial support sa mga estudyante, pamilya at guro.
Bukod dito, nakapagbigay ang DSWD ng ₱150,000 cash assistance, ₱103,094 Guarantee Letter para sa hospital bill, at ₱153,500 burial assistance sa mga apektadong pamilya.
Patuloy naman ang iba pang interventions ng DSWD para matulungan ang mga apektado na makayanan at makabangon mula sa insidente.