Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang insidente ng website defacement sa isang staging environment na ginagamit para sa development, testing, at validation.
Ayon sa DICT, development at testing site lamang ang naapektuhan at hindi pa ito ang final version ng website na nakatakdang gamitin ng publiko.
Agad namang nagsagawa ng assessment ang DICT matapos matukoy ang insidente para alamin ang mga pangyayari sa likod ng unauthorized access at matukoy kung may security weaknesses na sangkot.
Patuloy ding sinusuri ng ahensya ang naturang environment para matukoy at maayos ang anumang vulnerabilities bago ito tuluyang i-deploy.
