Photo courtesy of Quezon City Government
Asahan na ang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan sa bahagi ng Elliptical Road, partikular sa tapat ng Department of Agriculture (DA), ngayong umaga ng Biyernes, October 23.
Ito ay dahil sa isasagawang mapayapang rally ng mga hog raiser sa naturang lugar mula alas-8 ng umaga hanggang alas-10:30.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta para maiwasan ang posibleng pagsisikip ng trapiko.
Kaugnay nito, magde-deploy ng mga tauhan ang Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at Quezon City Police District (QCPD) para maayos ang trapiko sa lugar.
Matatandaang pinayagan ng QC LGU ang aplikasyon ng Nagkakaisang Samahan ng mga Magbababoy (ProPork) para sa permit na magsagawa ng rally ang grupo ng mga magbababoy at iba pang stakeholder.