Hinimok ng National Water Resources Board ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System at kanilang concessionaires na humanap ng ibang pagkukunan ng tubig sa gitna ng mas mababang alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam.
Kabilang sa tinukoy ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr. na ibang water sources ay Laguna Lake, mga pasilidad sa Cavite at Upper Wawa.
Simula kasi ngayong October, ibinaba ng NWRB sa 44 cubic meters per second mula sa karaniwang 50 hanggang 52 ang alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam patungong MWSS.
Positibo ang NWRB na maitatawid ang kasalukuyang suplay ng tubig hanggang sa susunod na taon kahit hindi magkaroon ng karagdagang pag-ulan.
Samantala, wala namang inaasahang water service interruptions sa kasalukuyan.