Agad na nag-deploy ang Philippine Red Cross (PRC) ng team upang tumulong sa isinasagawang evacuation efforts o paglikas ng mga residente.
Ito ay kasunod ng pagputok ng Bulkang Mayon, kung saan itinaas na sa Alert Level 3 ang alerto.
Ayon sa PRC, as of 1 PM, nagpapatuloy ang evacuation sa Barangay Anoling at Barangay Quirangay sa Camalig, Albay.
Sa ngayon, nailikas na ang mga residente sa Malilipot habang naghahanda naman ang lokal na pamahalaan ng Tabaco sa posibleng paglikas ng mga residente.
Maliban sa pagtulong sa paglikas ng mga residente, namahagi rin ang PRC ng mga face mask.
Samantala, nagpaalala naman si PRC Chairman Richard Gordon sa mga residenteng nakatira sa loob ng 6-kilometer danger zone na seryosohin ang mga abiso ng pamahalaan at sumunod sa mga direktiba ng mga awtoridad.