Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga magulang, guro, pamahalaan, at iba pang sektor ng lipunan na magtulungan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan, lalo na laban sa mga karahasan sa mga paaralan.
Ayon sa Pangulo, mahalagang maging mapagmatiyag ang mga magulang sa mga pagbabago sa pag-uugali at emosyon ng kanilang mga anak, kabilang ang labis na kalungkutan o galit.
Ang mga paaralan aniya, hindi natatapos sa pagkatuto ng mga bata ang resposibilidad, bagkus maging ang pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral ay dapat din bantayan mg mga ito.
Nanawagan si Pangulong Marcos sa national at local government, mga guro, at mga magulang na magkaisa upang masiguro na ligtas ang mga kabataan at maayos silang makapag-aral.
Sa pagbisita sa Patul Elementary School sa Santiago, Isabela, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng mga magulang sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa.