Nanawagan si AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones sa pamahalaan na kagyat na maibalik sa dating taripa sa 30% ang minimum access volume at 40% sa inexcess sa minimun access volume.
Sa pulong balitaan, hindi umano katanggap-tanggap na sa 2027 pa maipatutipad ang pagtaas ng taripa sa 25-34% na kung ganoong katagal ay tuluyan nang babagsak ang lokal na industriya ng pag-aalaga ng mga baboy.
Kasabay nito ay nanawagan din na pansamantalang bawasan ang importasyon ng karne ng baboy lalo’t malaki ang ibinagsak ng presyo ng baboy sa farm gate na ₱95 hanggang ₱110 kada kilo, gayung ang puhunan ay pumapalo sa ₱190 kada kilo.
Sa pag-aaral ng mga nag-aalaga ng baboy, aabot sa ₱250 milyon ang nalulugi sa kada isang araw sa buong bansa.
Matatandaan na ibinaba noong nakalipas na administrasyon sa pamamagitan ng Executive Order No. 62 sa 15-25% ang taripa, at kailangang maibalik ito sa orihinal na taripa na 30- 40% upang maprotektahan ang naghihingalong industrya ng lokal ng pag-aalaga ng baboy.