Pinabilis ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagproseso sa mga aplikasyon para sa special permit ng mga bus ngayong Undas.
Ayon kay Acting LTFRB Chairman Atty. Greg Pua Jr., umabot na sa 356 aplikasyon ang kanilang natanggap, na sumasaklaw sa 1,003 bus sa iba’t ibang ruta sa bansa.
Mas mataas ito kumpara noong 2025, kung saan 323 aplikasyon para sa 847 bus ang natanggap.
Sinabi ni Pua na sinusuri ang mga aplikasyon upang matiyak na sapat ang bilang ng mga bus sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero.
Kasabay nito, mahigpit na susuriin ang roadworthiness ng mga bus, gayundin ang pisikal at mental na kondisyon ng mga driver.
Inatasan din ang mga regional office na inspeksyunin ang mga bus terminal upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero.