Photo courtesy of Overseas Workers Welfare Administration
Nakarating na sa Pilipinas ang 30 distressed Overseas Filipino Workers o OFWs mula Kuwait, na agad sinalubong at tinulungan ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.
Dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang mga OFW nitong Oktubre 2 sakay ng Kuwait Airways flight KU417.
Agad silang binigyan ng arrival assistance ng OWWA, katuwang ang MIAA Medical Team, upang matiyak ang kanilang kalagayan at maayos na pagtanggap sa bansa.
Magpapatuloy naman ang suporta ng OWWA Regional Welfare Offices sa mga umuwing OFW, kabilang ang pag-aayos ng kanilang pagbiyahe patungo sa kani-kanilang probinsya at iba pang kinakailangang tulong.
Sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya, tiniyak ng OWWA ang patuloy na suporta sa mga distressed OFW upang makabalik sila nang ligtas sa kanilang mga pamilya.