Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa silang umalalay sa mga local government unit sa nakatakdang muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa darating na Oktubre 5.
Ayon kay PCol. Allen Rae Co, Public Information Office (PIO) chief ng PNP, suportado nila ang nasabing muling pagpapatupad ng NCAP upang maisulong ang tamang pagpapatupad ng batas trapiko sa mga lugar na sakop nito.
Makatutulong din ito upang maiwasan ang mga disgrasya at aberya sa daan at maisulong ang disiplina sa mga motorista.
Magugunitang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na pumipigil sa pagpapatupad ng NCAP. Dahil dito, ipatutupad na ang NCAP sa limang lugar sa Metro Manila, kabilang ang Lungsod ng Manila, Quezon City, Valenzuela City, Parañaque, Muntinlupa at San Juan City.