Abot sa 159 na Philippine Higher Education Institutions (HEIs) ang nakipag-ugnayan sa mga education partners mula sa 13 bansa sa Higher Education Partnerships Conference (HEPCON) 2026 sa Cebu City.
Kabilang sa mga tinalakay ang student at faculty exchanges, international research, artificial intelligence, robotics, at future skills.
Ayon kay CHED Chairperson Shirley Agrupis, layunin nitong palawakin ang international cooperation at mga oportunidad para sa mga Pilipino.
Sa datos ng CHED, may 326 Philippine HEIs na may 4,951 linkages sa 2,479 foreign partners mula sa 116 na bansa.
Sinabi ni Agrupis na dapat maging mas aktibo at produktibo ang mga international partnership. Kabilang sa mga inaasahang resulta ang joint research, academic programs, student at faculty exchanges, at iba pang collaborative projects.