Very Robust ang Diplomatic relationship ng Pilipinas at Poland, ganito nilarawan ni Geronimo Saliguin Jr, First Secretary and Consul ng Philippine Embassy sa Warsaw, Poland ang diplomatikong pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at Poland.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, binangit ng Embassy Official sa Poland ang mga kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa kabilang na ang pag-acceed ng Poland sa ASEAN Treaty of Amity and Cooperation maging sa kauna-unahang partisipasyon ng Poland sa World Food Expo na ginaganap sa Manila.
Ang panayam ng programang Global Na Tayo kay First Secretary at Consul Saliguin Jr, ay kaugnay ng kauna-unahang state visit ng isang Polish Head-of-State sa Pilipinas, President Karol Nawrocki mula October 5 hanggang October 8, 2026.