Iginiit ng liderato ng Phiilippine National Police (PNP) ang naging pagtugon ng pulisya sa ikinasang lightning rally ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Malacañan complex sa bisperas ng World Teacher’s Day, kahapon.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong umaga, sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. hindi pinigilan ng PNP ang pagpapahayag ng damdamin ng mga guro.
Ipinatupad lamang ng mga Pulis ang mga umiiral na panuntunan lalo’t maituturing itong illegal assembly dahil sa isinagawa ito sa labas ng freedom parks.
Naharang ng Presidential Security Command (PSC) ang mga rallyista sa tapat ng St. Jude Parish nang magtangkang magsagawa ng lightning rally sa Palasyo.
Panawagan nila ang ₱50,000 entry-level na sahod sa mga guro, ₱5,000 economic relief allowance, at alokasyon ng 6% porsiyento ng GDP sa edukasyon.