Naglabas ng mga paalala ang Manila North Cemetery para sa mga bibisita ngayong Undas 2026.
Ayon kay Manila North Cemetery Director Daniel Tan, October 27 ang huling araw para sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagpipintura ng mga puntod, habang October 28 naman ang huling araw ng libing.
Mula October 29 hanggang November 2, bukas ang sementeryo mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.
Hindi rin papayagang pumasok ang anumang uri ng sasakyan sa loob ng sementeryo sa naturang mga araw.
Ipinagbabawal din ang pagdadala ng baril, matatalim na bagay, alak, alagang hayop, gitara, malalakas na speaker, at mga madaling magliyab gaya ng alcohol at thinner.
Hiniling ni Tan ang pakikiisa at disiplina ng publiko upang mapanatiling ligtas at maayos ang paggunita ng Undas sa Manila North Cemetery.