Maagang naghahanda ang Manila North Cemetery at Manila Police District para sa seguridad at kaayusan ngayong Undas 2026.
Nagsagawa ng coordination meeting si Manila North Cemetery Director Daniel Tan kasama sina Police Station 3 Station Commander Lt. Col. Jolly Soriano at Blumentritt Detachment Head Capt. Ferdie Cayabyab.
Tinalakay sa pulong ang mga security measures, deployment at koordinasyong ipatutupad upang maging maayos ang daloy ng mga bibisita sa sementeryo.
Layunin ng maagang paghahanda na matiyak ang ligtas, organisado, at mapayapang paggunita ng Undas sa Manila North Cemetery.