Photo courtesy of Department of Energy (DOE)
Nanguna ang Pilipinas sa bilang ng mga hakbang sa renewable energy at electrification sa anim na pangunahing ekonomiya sa Southeast Asia, sa gitna ng epekto ng geopolitical conflict sa Middle East at patuloy na pagtaas-baba ng presyo sa pandaigdigang merkado ng langis.
Batay sa regional analysis ng Zero Carbon Analytics, 13 renewable energy at electrification measures ang naitala sa Pilipinas mula Pebrero 28 hanggang Agosto 31, 2026. Pinakamataas din ang kabuuang energy policy measures ng bansa na umabot sa 22.
Kabilang sa mga hakbang ang pagpapabilis ng solar development, pagpapalawak ng rooftop solar at net metering, paggamit ng battery energy storage systems, at pagsuporta sa electric vehicles.
Target ng Pilipinas na umabot sa 35% ang bahagi ng renewable energy sa power generation pagsapit ng 2030, at 50% naman sa 2040.
Ayon sa Department of Energy (DOE), patuloy ito sa pagsusulong ng Green Energy Auction Program at iba pang pamumuhunan sa energy storage, transmission at grid infrastructure upang mapalakas ang energy security at mabawasan ang pagdepende ng bansa sa imported fuel.