Pinuri ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang Philippine Public Safety College (PPSC) sa pagpapalakas ng edukasyon at pagsasanay ng uniformed personnel.
Ayon kay Remulla, nakatutulong ito para maging mas propesyonal, mahusay at mapagkakatiwalaan ang mga public safety institution.
Saklaw ng PPSC ang training ng PNP, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.
Sinabi ni Remulla na naghahanda ang PPSC sa mga tauhan ng DILG para sa mga bagong hamon sa public safety.
Binigyang-diin din niya na kabilang ang PNP sa mga institusyong may pinakamataas na trust rating sa bansa.
Sa ika-33 anibersaryo ng PPSC, 33 bagong miyembro rin ang ginawaran ng titulo sa PPSC Council of Fellows. | ulat ni Rey Ferrer