Nananatili sa 91 mga baril ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang patuloy pa ring pinaghahanap ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang dahilan ayon kay PNP Civil Security Group (CSG) Director, Police Major General Aden Lagradante kaya’t puspusan ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa kampo ng Senador.
Buhat kasi sa kabuuang 117 armas, sinabi ni Lagradante na nasa 26 pa lamang ang naisuko na.
Kasalukuyang may warrant of arrest sa International Criminal Court (ICC) si dela Rosa dahil sa madugong drug war noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, sinabi naman ni Lagradante na mayroong letter of reconsideration na pinadala ang kampo ni Dela Rosa sa kanila para sa pagsusuko ng mga baril.
Nabatid na dahil “administratively revoked” na ang lisensya sa mga baril ni Dela Rosa kaya dapat na ito ay maisuko na sa PNP.