Nagpatawag ng meeting si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang kung saan ay agenda ng pulong ang mga hakbang ng pamahalaan bilang tugon sa inaasahang epekto ng El Niño phenomenon.
Inaasahang magiging bahagi ng pagpupulong ang mga paghahanda at gagawin ng gobyerno para mabigyan ng proteksiyon ang iba’t ibang sektor na maaaring maapektuhan ng matinding tagtuyot.
Kabilang sa maaaring matalakay ang preparasyon sa suplay ng tubig, agrikultura, kalusugan, enerhiya, at iba pang pangunahing serbisyo sa harap ng idudulot na epekto ng Super El Niño.
Una nang sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na mismong si Pangulong Marcos Jr. ang mangunguna sa gagawing aksiyon ng gobyerno sa gitna ng inaasahang magiging epekto ng matinding tagtuyot na tatama sa bansa.