Binuksan ni Energy Secretary Sharon S. Garin ang ASEAN Sustainable Aviation Fuel (SAF) Convergence Forum na may temang “Building the World’s Next Sustainable Aviation Fuel Hub.”
Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga pamahalaan, airline companies, energy firms, investors, researchers, at development partners ang forum upang talakayin kung paano mapapalakas ng kooperasyong panrehiyon ang produksyon ng Sustainable Aviation Fuel (SAF) at maisulong ito tungo sa komersyal na antas.
Layunin ng pagtitipon na pagsama-samahin ang mga feedstock resources, industriya ng malinis na enerhiya, at teknolohikal na kakayahan ng mga bansa sa ASEAN upang makabuo ng mas integradong value chain para sa SAF.
Ang hakbang ay nakaayon sa ASEAN Plan of Action for Energy Cooperation 2026–2030, kung saan nagsisilbing chair ang Pilipinas ngayong 2026.
Inaasahang makatutulong ang regional cooperation sa paglikha ng mas matatag na industriya ng SAF sa Southeast Asia at sa pagsusulong ng mas napapanatiling sektor ng aviation.