Muling tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga komunidad at lugar na labis na maaapektuhan ng “very strong” El Niño.
Bukod kasi sa ibibigay na family food packs at cash assistance sa mga komunidad na sasalantahin ng matinding tag-tuyot iginiit ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na may long-term intervention din ang DSWD kontra El Nino, ito nga ay ang Project LAWA at BINHI.
Ani Gatchalian, dalawang taon na ang nakalilipas ng simulang ilunsad ang nasabing proyekto na isinusulong ang pagtatayo ng water impounding facilities sa mga maliliit na komunidad.
Umaasa naman ang DSWD na mapapalawak pa ang nasabing proyekto upang mas maraming komunidad ang maabot at makinabang dito.
Kaya naman umaasa rin ang DSWD na mapaglalaanan ito ng sapat na pondo sa susunod na taon upang maisakatuparan ang expansion ng Project LAWA at BINHI.