Hindi pa umuuwi ng bansa si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Atty. Anisha Hassan kasunod ng inisyung arrest warrant ng Makati Regional Trial Court Branch 235 dahil sa umano’y paglabag sa Public Service Act.
Wala pang impormasyon kung kailan magbabalik-Pilipinas ang bagitong kongresista na lumipad pa-France via Hong Kong noong August 2.
Matatandaang sinabi ng National Bureau of Investigation na nakatanggap sila ng impormasyong humirit umano si Leviste na makabisita sa 12 bansa. | ulat ni Aj Ignacio