Photo courtesy of Bureau of Internal Revenue (BIR)
Nakapagtala ng 100% resolution at compliance rate ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga concern na isinangguni sa ahensya mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2026.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, umabot sa 778 ang referrals na natanggap nito mula sa Presidential 8888 Citizens’ Complaint Center.
Lahat ng concern ay naaksyunan at naisara sa loob ng itinakdang 72 oras, at walang naitalang delayed action.
Samantala, lahat din ng 59 na kasong isinangguni sa BIR ng Civil Service Commission Contact Center ng Bayan ay nalutas sa loob ng itinakdang panahon.
Nagpasalamat si Mendoza sa mga tauhan ng ahensya na tumugon sa mga concern ng publiko.
Sinabi ng BIR Chief na patunay ito ng kanilang commitment sa mabilis at responsibong serbisyo para sa mga taxpayer at stakeholder.