Contributed photo
Target bisitahin ni Public Works and Highways Sec. Vince Dizon ang dalawang flood control project sa Arayat, Pampanga ngayong linggo.
Ayon kay Dizon inuulat kasi sa kanya ng ilang opisyales ng lokal na pamahalaan na nasira ang nasabing mga proyekto kahit mahigit isang taon pa lang nagagawa ito.
Giit ni Dizon, pasok pa ito sa warranty period ng contractor kaya dapat itong gawan agad habang wala pang mga pag-ulan.
Nais naman maintindihan ni Dizon ang dahilan ng pagkasira ng nasabing flood mitigation.
Hindi kasi makapaniwala ang kalihim na sa loob lang ng mahigit isang taon ay hindi na agad mapakinabangan ang isang proyekto ng kanilang ahensya.