Photo courtesy of DPWH
Kinumpirma ni Public Works and Highways Sec. Vince Dizon na madaraanan na ng mga motorista ang Dimasalang Bridge sa October 20.
Sa ginawang pagbisita ni Dizon sa proyekto, ipinagmalaki nito na apat na buwan lang ginawa ang nasabing bahagi ng tulay.
Giit ng kalihim, ganito ang resulta ‘pag sineryoso ng DPWH ang kanilang trabaho at ‘pag hindi ninanakaw ang pondo.
Dagdag pa ni Dizon, ang buong tulay ay hindi lang basta inayos kundi pinalitan ang kabuuan nito kaya bagong-bago aniya ang Dimasalang Bridge.
Binigyang-diin ng opisyal na ang mabilis, maayos at magandang proyekto ng DPWH ay ang kabilin-bilinan ng Pangulo na makitang pagbabago sa ahensya.
Nasanay kasi aniya ang publiko sa makupad at walang kalidad na mga proyekto noon.