Matatapos na ngayong buwan ang 20 drainage inlets sa kahabaan ng España Boulevard sa Maynila.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, apat dito ang nakumpleto na habang 16 ang kasalukuyang inaayos.
Napansin naman ng mga nagtitinda na mabilis na humupa ang tubig-ulan kapag malakas ang pag-ulan, kasunod ng pagkumpleto sa unang apat na drainage inlets.
Aniya, bagama’t hindi tuluyang mapipigilan ng drainage inlets ang pagbaha sa España, mapapabilis naman nito ang pagdaloy ng tubig tuwing malakas ang ulan.
Samantala, bukod sa inlet widening, apat na cross-drainage projects ang sisimulang itayo sa November.
Nasa 72 drainage inlets sa buong Metro Manila, kabilang ang España, ang inaayos ngayon ng DPWH bilang tugon sa pagbaha.
