Triple na ang laki ng apat na drainage inlet sa kanto ng España Boulevard at Dela Fuente Street sa Maynila matapos palaparin mula 0.5 metro hanggang 1.5 metro.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), layunin nitong mapabilis ang daloy ng tubig at mabawasan ang matinding pagbaha sa lugar, lalo na tuwing malakas ang ulan.
Patuloy din ang pagpapalapad sa 16 pang lumang inlet sa paligid.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DPWH na ayusin at palakihin ang mga drainage at inlet sa mga pangunahing lansangan at flood-prone areas sa Metro Manila.