Nananatiling stable ang presyuhan ng palay at bigas ayon sa National Food Authority (NFA) bagamat may ilan na silang naitatalang paggalaw sa presyo ng palay.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay NFA Administrator, Dr. Larry Lacson sinabi niyang maayos at sapat ang suplay ng bigas ng bansa at wala silang nakikitang kakulangan pagdating sa food security.
Sa katunayan patuloy ang mga intervention at mitigation measures ng pamahalaan sa kabila ng naitalang 7.2 percent na inflation para sa buwan ng Setyembre.
Ilan nga sa mga pansalag dito ng pamahalaan ang Benteng Bigas program na maaasahan pa rin at mabibili ng mga Pilipino.
Ani Lacson, bagamat may inaasahang epekto sa suplay ng bigas ang matinding El Niño ay hindi tumitigil ang NFA sa procurement ng palay at pagproseso ng bigas upang todo-todong paghandaan ang epekto ng El Niño.