Photo courtesy of National Book Development Board - Philippines/Facebook
Posibleng gamitin ang National Museum of the Philippines – Marinduque bilang bagong espasyo para sa mga reading initiative ng Book Nook.
Ang Book Nook ay programa ng National Book Development Board (NBDB) na naglalayong maghatid ng mga libro at reading activities sa mga komunidad, lalo na sa mga lugar na limitado ang access sa mga babasahin.

Nakipagpulong na ang NBDB Readership Development Division (READ) kay National Museum – Marinduque OIC Ar. Marjonier Malabanan at Information Officer John Marco Pitlo upang pag-usapan ang posibleng pagtutulungan ng dalawang institusyon. Layunin nitong maiugnay ang mga programa ng Book Nook sa mga aktibidad ng museo.




Sa kasalukuyan, mayroon ng Book Nook site sa Marinduque State University.
Ang pagbisita ng NBDB team ay bahagi ng serye ng pag-iikot nito sa Book Nook sites sa MIMAROPA at CALABARZON.