Dadaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 24th Forbes Global CEO Conference bilang bahagi ng 5-day working visit nito sa Singapore.
Sa naturang kumperensiya ay magkakaroon ng oportunidad ang Punong Ehekutibo na ma-iprisinta ang investment opportunities sa Pilipinas
Mahigit sa 470 business leaders ng Singapore at iba’t ibang mga bansa ang lalahok sa nabanggit na conference na inorganisa ng Economic Development Board sa ilalim ng Ministry of Trade and Industry ng Singapore.
Sinasabing magandang pagkakataon din ang okasyon upang maipakita ng Pangulo ang investment and economic priorities ng Pilipinas sa mga mga industriya o larangan na mabilis lumaki at malaki ang potensyal na kumita o lumikha ng trabaho.
Ilan naman sa mga miyembro ng gabinete na kasama sa working visit ng Pangulo sina Finance Secretary Frederick Go, Trade Secretary Ma. Cristina Roque at Presidential Communications Office (PCO) secretary Dave Gomez.