Photo Courtesy of BOC
Muling tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpapalakas ng pakikipagpalitan ng impormasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno bilang bahagi ng kampanya laban sa smuggling.
Sa ilalim ng pamumuno ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng BOC sa Office of the Ombudsman, Department of Justice (DOJ), at iba pang ahensya para mapahusay ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa mga smuggler.
Tiniyak din ng BOC ang patuloy na pagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon at dokumento sa mga awtorisadong ahensya, alinsunod sa batas.
Kasabay nito, pinapahusay ng BOC ang mga sistema at proseso nito para mapabilis ang palitan ng datos, maprotektahan ang kita ng gobyerno, at mapalakas ang kampanya kontra smuggling.