Plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bumili ng 1,500 na mga bagong fire trucks sa 2027 bilang bahagi ng Modernization Program ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ito ay para mapalitan ang mga lumang fire truck lalo’t ang ilan sa mga truck ay nasa apat na dekada nang ginagamit.
Paliwanag nito, isang government-to-government agreement ang isusulong ng DILG at BFP sa South Korea para mapababa ang presyo ng bawat fire truck at makatipid ang gobyerno ng nasa ₱9 bilyon.
Kasabay nito, palalakasin din ng DILG ang police mobility, kabilang ang paggamit ng mga motorsiklo at drones para mapabilis ang pagtugon sa mga insidente at maabot ang mas maraming komunidad.