Apat na Pinoy, sugatan matapos ang Saudi Airport attack
Apat na Pilipino ang nasugatan sa pinakahuling pag-atake ng grupong Houthi sa isang airport sa Saudi Arabia nitong weekend.
Ito mismo ang kinumpirma ni OWWA Administrator Atty. Patricia Yvonne Caunan sa ekslusibong panayam ng RADYO PILIPINAS WORLD SERVICE.
Ayon kay Caunan, tatlo sa nasugatang Pilipino ay nagpapagaling pa rin sa ospital habang naghihintay na makalabas ang isa.
Patuloy na binabantayan ang sitwasyon ng mga biktima, kasabay ng pagbibigay ng tulong mula sa pamahalaan.
Wala namang nasawing Pilipino sa pag-atake.