Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (MERALCO) na i-refund ang humigit-kumulang ₱2.64 bilyon sa mga customer nito.
Katumbas ito ng average na refund na ₱0.1020 kada kilowatt-hour na epektibo sa next billing cycle at tatagal sa loob ng humigit-kumulang anim na buwan.
Nakasaad ang direktibang ito sa isang order na inaprubahan ng Komisyon noong Oktubre 9, 2026, sa ERC Case No. 2026-129 RC.
Ginawa ng ERC ang kautusan kasunod ng isinagawang True-up o paghahambing ng actual revenue at electricity sales ng MERALCO sa aprubado nitong distribution rates mula Enero hanggang Hunyo 2026.
Para sa Enero hanggang Hunyo 2026, umabot sa ₱1.5537 kada kWh ang Actual Weighted Average Tarif o AWAT ng Meralco.
Nangangahulugan ito na humigit-kumulang ₱0.20 kada kWh, o kabuuang ₱5.36 bilyon, ang sobrang nakolekta ng Meralco kumpara sa aprubadong singil.
Ayon naman kay ERC Chairman, Atty. Francis Saturnino Juan, isasabay na nila ang refund sa nauna nilang desisyon hinggil sa rate reset upang walang halos maging paggalaw sa current rates ng MERALCO.