Abiso sa mga customer ng Manila Electric Company (Meralco).
Magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco para sa billing ngayong Oktubre, bunsod ng pagtaas ng generation charge.
Tumaas ang generation charge dahil sa mas mahal na liquefied natural gas bunsod ng sigalot sa Gitnang Silangan, at sa paghina ng piso kontra dolyar.
Ayon sa Meralco, 32 sentimos kada kilowatt-hour ang idadagdag sa singil.
Katumbas ito ng P64 na dagdag para sa mga kumokonsumo ng average na 200 kilowatt-hour kada buwan, habang nasa P160 naman para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt-hour.
Paglilinaw ng Meralco, hindi pa kasama sa singil ngayong buwan ang bagong refund na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission. Samantala, nakahanda naman ang Meralco na ipatupad ang mga rate adjustment na inaprubahan ng komisyon.