Hinihikayat ng Marcos Administration ang publiko na magtipid ng tubig, kulektahin ang tubig-ulan, at seryosohin ang paghahanda kontra super El Niño.
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro sa gitna ng pagpapa-igting ng gobyerno sa preparasyon nito para sa tagtuyot.
“Huwag ninyong tawanan ang pag-iipon ng tubig. Mayroon akong kilala, isang mataas na opisyal, tinawanan ang pag-iipon ng tubig-baha. Kilala ninyo ba? Tinanong sa kaniya, tinawanan niya, mataas na opisyal. Hindi niya batid, ang pag-iipon ng tubig-ulan ay matagal nang ginagawa – at iyan ay ang Bise Presidente.” —Castro.
Ayon kay Castro, si Pangulong Marcos mismo, seryoso ang pagturing sa banta, kasabay ng mahigpit na koordinasyon sa El Niño Task Force.
Ang nauna na aniyang payo ng Pangulo na gumamit ng timba o balde sa pagkolekta ng tubig-ulan ay praktikal na bahagi ng paghahanda, kontra sa water shortage.
“Nauna nang tinipon ng Pangulo noong nakaraang linggo ang mga ahensiya na nakabantay laban sa El Niño — just keep up with the news para hindi kayo nahuhuli sa mga programa ng Pangulo. Partikular na nakatuon si Pangulong Marcos Jr. sa mga paraan kung paano maiibsan ang epekto ng tagtuyot sa usapin ng food at water supply at sa enerhiya.” —Castro.