Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na tiyakin ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig at kuryente sa harap ng El Niño.
Sa advisory, pinapa-update ang contingency plans at pinabubuo o pinababalik ang Local El Niño Teams.
Kabilang sa mga hakbang ang pagkukumpuni ng mga tubo, pagtitipid sa tubig at paggamit ng rainwater harvesting systems.
Para sa enerhiya, pinaghahanda ang mga LGU ng backup power systems at sapat na suplay ng gasolina.
Dapat ding tiyakin ang reserbang tubig at kuryente sa mga ospital, paaralan, evacuation centers at emergency facilities.
Ayon sa DILG, mahalaga ang maagang paghahanda upang mabawasan ang epekto ng El Niño at mapanatili ang mahahalagang serbisyo.