Nanatiling stable ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa sa kabila ng banta ng El Niño.
Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ma. Cristina A. Roque sapat pa ang supply ng nga essential goods sa bansa kaya hindi kinakailangan na magpanjc ang publiko lalo na ang mamimili.
Sa ngayon hinihintay pa ng DTI kung magkakaroon ba ng report price adjustment sa suggested retail price o SRP ang 204 stock-keeping units.
Dati nang sinabi ni Secretary Roque na wala silang natanggap na hiling ng price increase sa mga pangunahing bilihin pero inatasan na nila ang mga regional offices para i-monitor kung may kwestyunableng taas presyo sa merkado. | ulat ni Louisa Erispe