JV Ejercito
Isinusulong ni Senador JV Ejercito ang pagpapataas ng Personnel Economic Relief Allowance (PERA) para sa mga empleyado ng gobyerno mula sa kasalukuyang 2,000 para gawing 5,000 pesos.
Ayon kay Ejercito, ito ay sa gitna ng pangangailangan na bigyan ang mga empleyado ng gobyerno ng tulong sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin.
Sa paghahain ng Senate Bill No. 2540 ng senador, giniit nitong kailangan nang i-adjust ang naturang benepisyo, na mula taong 2009 ay hindi pa rin nababago.
Saklaw ng panukala ang mahigit tatlong milyong kawani ng pamahalaan, kabilang ang mga guro, health worker, sundalo, pulis at iba pang empleyado sa national at local government.
Iminungkahi rin ni Ejercito ang otomatikong taunang adjustment ng PERA batay sa antas ng taunang inflation para makasabay ito sa pagtaas ng presyo.