Isiniwalat ng Prosekusyon ng International Criminal Court (ICC) ang opisyal na datos ng nakaraang administrasyon kaugnay ng kontrobersyal na war on drugs nito.
Sa isang pagdinig, binanggit ni ICC Prosecution Lawyer Atty. Julian Nicholls ang 2017 Year-End Accomplishments Report ng administrasyong Duterte, kung saan nakatala ang 3,967 na nasawi sa mga operasyon laban sa iligal na droga.
Ayon kay Nicholls, pinatutunayan ng sariling datos ng pamahalaan ang lawak at laki ng mga nasawi sa drug war na natuklasan din ng Prosekusyon, na nagtala naman ng 3,422 na nasawi sa kahalintulad na panahon.
Samantala, kinuwestiyon din ni Nicholls ang pagtanggi ng kampo ng depensa na makipagtulungan sa pag-verify ng mga nasabing numero bago ang nakatakdang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga kasong Crimes Against Humanity.
📸 ICC