Binigyang-diin ng National Food Authority (NFA) ang kahalagahan ng pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa na labis na makakatulong para maiwasan ang kakulangan ng bigas lalo’t humaharap ang bansa sa epekto ng El Niño.
Inihayag ni NFA Adminstrator Dr. Larry Lacson, na ang rice importation plan ay isinusulong ng mga private rice industry stakeholders group.
Paglilinaw nito na walang anumang papel ang gobyerno ukol sa nasabing usapin.
Dagdag pa nito, na walang dumaan na permit sa kanila at hindi sila nag-iimport ng mga bigas.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) na mayroon silang pinirmahan na kasunduan ng USA Rice para payagan ang pagpasok ng bigas mula sa Estados Unidos simula 2027.