Ipinagpaliban ng Commission on Elections o COMELEC ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota ngayong Oktubre 14 para sa special election sa Batanes at plebisito sa Naga City, Camarines Sur.
Ayon sa COMELEC, para sa plebisito sa pagiging highly urbanized city ng Naga, babaguhin ang bilang ng mga balotang iimprenta batay sa abiso ng Allocation Committee.
Sa special election naman para sa kinatawan ng nag-iisang distrito ng Batanes, wala pang isinusumiteng presyo ang National Printing Office kaya hindi pa matukoy ang gastos kada balota.
Naka-hold muna ang pag-imprenta para sa dalawang aktibidad hanggang sa susunod na abiso.
Maglalabas ang COMELEC ng bagong iskedyul kapag mayroon nang sapat na impormasyon.